Today..

I saw my mother in tears. Hiding the pain, trying not to make any kind of commotion. That’s prolly when I have to worry. She’s not the kind of person who’d just sit and keep it herself. It’s like I’d rather hear her nag, that’s when I know for sure it’s just the little things that make her go nuts. It’s heartbreaking. I should do something. Like praying.

God, how can I even save other people when I can’t even save myself from this dejection? Or I should start saving them so I could save myself, later? No. You are our Saviour. You’re more than enough. That’s a fact.

But darn. Mine’s just a matter of madness, lack of sense of belongingness. Feeling perfectly lonely, lost in the crowd of people who doesn’t even care about your existence. Just a need. No. I’ve been trying to see the good in everyone. Why can’t they just do it for me, for once. *waterworks, cool* Ugh. Y’know when you’ve been expecting something from people –who would in case need you, you’d be there, who would just notice you when they need you or when they’re in danger, I would be their only resort. I don’t want anger to have a way in me. I’m against it. I don’t want a comeback. Oh tears! You are so wonderful. You can save me.

And oh, I’ve got nothing to worry about, but I guess I’ve been taking for granted those people who would do anything for me, while I’m chasing the love/affection/care tucked away, out of reach, unavailable, impossible. Crap! This has always been an issue to me. Why can’t I just move the eff on? And why can’t I just get over schoolgirl issues? I don’t have the right to say IDGAF when I’m barely here creating a blog post for that damn stupidity. Grow up Kat! *sigh* Schizotypal.

Everyone thinks of changing the world, but no one thinks of changing himself.

-Leo Tolstoy

(Edited 2011.o3o1)

Sweet disposition‘s my game. I can do that over and over again. Again and again. And again? Gonna let it pass. Or should i say more? Enough.

I could not ask for more..

Something to believe in..

Tears are the hydraulic force by which masculine willpower is defeated by feminine water power.

-Owl City

Kanina ayos na sa utak ko yung mga sasabihin ko sa blog ko.. teka. Inhale. Exhale.

Kanina pag-uwi galing sa.. asdfghjkl;’ shet, teka, di ako makapag-focus, minention ako ng crush ko sa Twitter! family dinner, umangkas ako kay ama. Nauna kaming umalis, iniwan namin silang lahat kasi umaambon na at naka-motor nga lang kami. Sa diversion kami dumaan. At yung pakiramdam na may hangin at ambon na unti-unting lumalakas, wow drama. At tumulo na nga lang ang luha saking mga mata. Hindi na ko nagtaka kasi halos araw-araw na yata ako umiiyak.

It is better to cry than to be angry. Because crying cleanses the soul.

– Pope John Paul II

Madami bang bagay ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko na malaman ang emosyon na dapat ko pang maramdaman. Siguro yung mga luha na lang na yun yung naglalabas ng hindi ko mailabas na emosyon.

Pero. Ngayon ko lang nalaman yung kwento na yun. Akala ko biro lang talaga dati yung dapat talaga hindi naman ako ipinanganak, kasi magpapatali na dapat si ina, dalawa lang ang gusto nila. Kaya pala ganun na lang din. Hindi rin siguro alam yun ng ate at kuya ko. Nakisali pa kasi ako sa usapan ng matatatanda, na gawain ko naman talaga kahit dati pa, pero maganda na rin naman yata ang binunga.

Hindi ako ordinaryo. Lahat tayo magkakaiba kaya naging pare-pareho na rin tayo. Noon pa lang, sa pagkakapanganak ko palang pala. Simbolo (wow lalim) pala ko na pagkakabuo ng pamilya namin. Muntik na pala. Tulad nung sa Lolo ko at ang mga anak niya na Tito ko, saka ng mga taong nakapaligid samin. Halos pala lahat. Kaya dapat kong ipagpasalamat yung pagiging buo namin. Hindi kasi sumuko. Hindi kasi bumitaw. Tapos ngayon ginaganito ko ang sarili ko. Nagiisip ako ng ganito. Napagtanto ko. Kailangan ko talaga ng tiwala sa sarili ko. May tiwala naman ako sa sarili ko. Kaya nga lang.. may ‘kaya’. Yan ang hirap. Umayos ka Katriz.

Thank You.

And thank You po sa mga taong binibigay niyo to lead me or enlighten me. Kahit di sila mismo yung mga taong inaasahan kong magiging ganun para sakin. Hmm.

Lord, favor naman. Alam niyo na po yung hopes ko. Gusto ko po talaga. Gustong-gusto ko lang talaga. Pero sabi ko naman sa inyo, dun tayo sa kung anong gusto niyo. Alam kong magagawaan ng paraan. SOS. Yung ano, something to believe in, saka yung ano. Gusto ko talagang pumunta. Ikaw pa rin naman ang masusunod. =)

Thy will be done. Goodnight~

700php

..on my wallet. Thinking how could I possibly spend it in a good way. The most useful and best way to maximize it.

Home alone again.

Excuse me, I’m about to narrate a sad (isn’t sad though, unfortunate I guess) thing about what’s happening to my family. Deleting it would be the next thing.

Alam ko naman na hindi naman talaga kailangan ng pera, pero hindi nga ba? Hindi daw naman kasi tayo mapapakain at mabubusog ng pagmamahal, hindi tayo mabibigyan ng energy e ang masaklap pa kung wala namang pagmamahal.

Masaya ako (oo, nagpapasalamat ako dun) kasi sama-sama kami. Pero umalis kanina ang aking kapatid para mag-pasko dun sa girlfriend niya sa Quezon. Wala pa kaming kahit ano para sa darating na pasko, pagkain, pang-aginaldo, damit (hindi ko na kailangan ng bago kaya ok na yun).

Hindi yun. Hindi talaga problema yun, ano naman kung di kami makapagregalo, ano naman kung di sila makapag-aginaldo. Ano naman kung wala kaming makain. Pero kanina nga lang wala na kaming makain, wala daw pambili si ina. Kaya kailangan umuwi ni ama. Gara. Hindi ko tuloy alam ano ba mararating 700 kung ano man ang bilin ko para meron namang something para sa Christmas. Hoho.

Hindi ako malungkot. Nag-iisip lang ako. Kasi ang balak na nila sa Christmas day ay magtago. Haha! Gagawin namin yun, akalain mo yun. Hmm. Ano nga ba?

Bro, kayo na po bahala. =) Mas alam Niyo, higit sa lahat ang mga pangangailangan namin. =)

Kesa gumawa para sa HoA..

Dear ate,

Please lang o. Pakisabi naman kung ano ba talaga gusto mong trabaho? Unang trabaho mo pa lang choosy ka na. Nakakailang apply ka na, sayang yung iba, ang ganda-ganda na nun. Wala naman kasing madaling trabaho diba? Mahirap talaga. Haist. Yan ang hirap. Talaga.

Dear kuya,

Please. Ano ba gusto mong gawin sa buhay mo? Bakit ka hihinto sa pagtatarabaho kapag nakahanap na si ate? Hirap na hirap na ang ating mga magulang. Sarili mo na nga lang ang binubuhay mo ngayon e.

Dear ina,

Haaaaaay.

Dear ama,

Wa mo ng masyadong dibdibin ang mga bagay-bagay. Naiitindihan ko kung bakit ka nagagalit. Naiintindihan ko yung pressure saka yung frustration na di mo mabigay samin lahat ng kailangan namin. Naiintindihan ko yon. *Di ba? Di ko ba napaparamdam at nasasabi yun? Nasasabi ko naman ah?* Di niyo lang siguro kasi napapansin yung mga bagay na yun kasi iba naaalala niyo. Alam ko ang estado ng buhay natin. Naaappreciate ko, sobra, yung effort mo. Di man siguro halata. Pero, grabe kaya.

Dear self,

WAG KA NA. Manahimik ka na lang kaya. mag-aral. Saka gumawa ng paraan, kahit pano. Para.. Mag-aral. Mag-aral ng mabuti saka magsikap, magsipag. Pwede yun. Sarap kaya, try mo?

****

Minsan naisip ko na rin talaga, baka may dalawa talaga akong katauhan. Masipag naman ako, madalas nga lang tamad.  Mabait naman ako, madalas tamad. TAMAD. Hay. Isa itong kasalanan. Dapat ng isantabi.

Exodus 10:18

[Moses] left Pharaoh’s presence and prayed to God.

Meaning: Must not depend on someone. Must depend on God.

****

I stumbled upon this Bible Passage on the dash (via Tumblr) while I was talking on the phone with my friend Krizia a while ago. We were discussing about my previous WP post.  How likely.

Please. I feel like I could break down any moment. My eyes are already swollen. I hate it when I feel like I’m too soft and too weak.

Ok. ’nuff of the misery. =)

****

Dear Mr. God,

Tell me do You ever cry when we forget to thank You for the good things in our lives? I know I can’t always understand why You do the things You do. But I know in the end, I’ll make it through if I stand next to You. So here I am!

Love,

me

(FB friend stat)

All of my Days

I suddenly felt weak.

Bakit sa dinami-rami ng tao, sila pa itong hindi makaunawa sayo? Nawawalan ako ng pag-asa. Hindi ko alam. Lahat ng bagay kahit anong ganda ang mangyari, kung susumahin, dapat maging maayos din sa..

family

The family is the basic unit of every society. Consequently, the progress of society greatly relies on the values and ethics present in our very home. One factor to make family relationships intact is through making the home comfortable. It determines the harmony in homes in terms of financial, emotional and ethical aspects which when it is kept organised, then it will naturally transcend to the way we perceive things and thus, pave for a more satisfying life. (Thank you google dictionary.)

Pero. Bakit ganun? Para silang mga bata. Nanggagatong kapag nagagalit yung isa, kesa.. Hay. Tama na nga. Inaaburido ko lang ang sarili ko. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Ayoko ng umiyak. Para kasing mga bata kung umasta. Lalo na.. Hay. Hay.

The only way we can solve the problem is to fix ourselves first.

But what if you’re trying your best to fix yourself and eventually change others, that would be time that  you’d be given a thousands of reason to give up.

Its’ not like it’s impossible. It will take so much time, lots of efforts, lots of tears and idk.. They’re old enough to know the difference, but they’re blinded by the fact that they are already matured, thinking they knew way better than us. Believing too much on what they believe in, and can not see things through. Ugh. Their ways! Gahd. What a childish thing. Please.

****

…………………………………………………….

😦

Every passing minute is a chance to turn it all around..

Let’s go indulge in some dreams/goals/bucket list. Places I wanna see personally and if given the chance, I might invade it as well.

This slideshow requires JavaScript.

(Cool. Pwede pala tong slideshow na ito.)

Santorini, Prague, Macau, Moscow *kasama na siya, ate!*, Venice, Paris and a lot more foreign land.

Sa Pilipinas, Vigan, Batanes, Palawan? Basta yun.

Hmm. =)

Sa hinaba-haba ng diskusyon..

at di mamatay-matay na katanungan. Ano nga ba ang pamantayan ng tama at mali?

Andaming sumasagi sa isip ko. Di na yata kaya nito kaya di ko na lang pinapansin ito. Madaming katanungan ang bumabagabag sakin, sa mga paniniwala ko at mga pinaniniwalaan ng ibang tao. Dahil nakakapagod, mas mabuti na lang yatang wag pag-usapan ito.

****

Ika-talong araw sa buwan ng Oktubre.

Lagi na lang. Kahit kailan na lang. Hindi ko yata talaga inaabangan ang buwan na to. Kahit kailan di na ko umaasa pa sa masayang pangyayari sa buwan na ito. Kundi malungkot, e dinedelubyo ako sa buwan na ito. Ilang taon ng ganito. Di naman ako naging masaya sa buwan na to.

Kahit kung tutuusin, dapat masaya ako at kaarawan ko.

****

Nakakatawang isipin na mas pinagtutuunan ng pansin ng magulang ko ang kaarawan ng pamangkin ko. Pitong taon. Ako labingwalo. Parang wala lang. Nakakalungkot lang isipin. Ang hirap umasa. Lalo na ngayon. Na ganito ang sitwasyon….

Pending Chat

Nasan ka ba? Grabe. Nanginginig ako. Umiiyak. Nasa harapan ako ng computer. Di ko malaman. Bakit napakakitid ng utak nila? Lagi nila saming ibinabaling yung galit. Bakit di nila subukan na isipin yung.. Ugh. Di ko alam. Naiinis ako. Nagagalit. Sa sarili ko. Bakit di ko masabi sa kanila lahat ng nasa utak ko. Siguro dahil alam kong wala din naman patutunguhan yon. Nahihirapan ako magtype. Nahihirapan ako. Di ko makita. Tuloy-tuloy. Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Nasan ka ba? Nasaan na? Nasaaan na ang pang-unawa sa mundo? Oo. Matanda na sila. Pero masasabi ba nilang tama yung mga pinaniniwalaan nila. =(