Something to believe in..

Tears are the hydraulic force by which masculine willpower is defeated by feminine water power.

-Owl City

Kanina ayos na sa utak ko yung mga sasabihin ko sa blog ko.. teka. Inhale. Exhale.

Kanina pag-uwi galing sa.. asdfghjkl;’ shet, teka, di ako makapag-focus, minention ako ng crush ko sa Twitter! family dinner, umangkas ako kay ama. Nauna kaming umalis, iniwan namin silang lahat kasi umaambon na at naka-motor nga lang kami. Sa diversion kami dumaan. At yung pakiramdam na may hangin at ambon na unti-unting lumalakas, wow drama. At tumulo na nga lang ang luha saking mga mata. Hindi na ko nagtaka kasi halos araw-araw na yata ako umiiyak.

It is better to cry than to be angry. Because crying cleanses the soul.

– Pope John Paul II

Madami bang bagay ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko na malaman ang emosyon na dapat ko pang maramdaman. Siguro yung mga luha na lang na yun yung naglalabas ng hindi ko mailabas na emosyon.

Pero. Ngayon ko lang nalaman yung kwento na yun. Akala ko biro lang talaga dati yung dapat talaga hindi naman ako ipinanganak, kasi magpapatali na dapat si ina, dalawa lang ang gusto nila. Kaya pala ganun na lang din. Hindi rin siguro alam yun ng ate at kuya ko. Nakisali pa kasi ako sa usapan ng matatatanda, na gawain ko naman talaga kahit dati pa, pero maganda na rin naman yata ang binunga.

Hindi ako ordinaryo. Lahat tayo magkakaiba kaya naging pare-pareho na rin tayo. Noon pa lang, sa pagkakapanganak ko palang pala. Simbolo (wow lalim) pala ko na pagkakabuo ng pamilya namin. Muntik na pala. Tulad nung sa Lolo ko at ang mga anak niya na Tito ko, saka ng mga taong nakapaligid samin. Halos pala lahat. Kaya dapat kong ipagpasalamat yung pagiging buo namin. Hindi kasi sumuko. Hindi kasi bumitaw. Tapos ngayon ginaganito ko ang sarili ko. Nagiisip ako ng ganito. Napagtanto ko. Kailangan ko talaga ng tiwala sa sarili ko. May tiwala naman ako sa sarili ko. Kaya nga lang.. may ‘kaya’. Yan ang hirap. Umayos ka Katriz.

Thank You.

And thank You po sa mga taong binibigay niyo to lead me or enlighten me. Kahit di sila mismo yung mga taong inaasahan kong magiging ganun para sakin. Hmm.

Lord, favor naman. Alam niyo na po yung hopes ko. Gusto ko po talaga. Gustong-gusto ko lang talaga. Pero sabi ko naman sa inyo, dun tayo sa kung anong gusto niyo. Alam kong magagawaan ng paraan. SOS. Yung ano, something to believe in, saka yung ano. Gusto ko talagang pumunta. Ikaw pa rin naman ang masusunod. =)

Thy will be done. Goodnight~

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s