Mang Tomas

Tumunog ang telepono mag-aalas otso
Tinanong niya kung nasan ako
Sumagot ako na may klase pa ko
At sinabi niyang pupuntahan niya ko
Hihintayin daw niya ko
Sabay na daw kami umuwi
Dumating siya nagkwentuhan kami
Hindi ko alam kung ano ang pakay niya
Mga bagay-bagay sa buhay ang pinagtawanan
Ilan ding mga bagay sa nakaraan ang napag-usapan
Hinintay niya ko kahit wala ng masyadong tao
Halos isang oras din siyang naghintay
Hinintay niya ko sa hindi ko malamang bagay
Paglabas ko naramdaman ko ayaw pa niyang umalis
Gusto pa niya ba kong makausap
Ako ba talaga ang kailangan niya
Ako ba talaga ang gusto niyang makasama
Gusto pa niya kong makasama
Nagikot kami habang nililibang ko ang sarili ko
Kumukuha ako ng mga larawan
Ayokong isipin kung ano yung nangyayari
Ang pumapasok lang sa utak ko na mali
Parang may mali
Hindi na ko nag-isip
Baka pareho lang kami ng sitwasyon
Bumili ng kape at hinatid na sa sakayan
Sumakay, umuwi at wala ng susunod na kabanata

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s