Sa kabilang banda..

Sabi nila ang pinakamalayo daw na distansya sa pagitan ng dalawang tao ay kung magkatalikod kayo. Kailangan mo daw kasing umikot ng buong mundo para lang makaharap mo muli ang taong tinalikuran mo.

Inisip ko tuloy kung sino na ba ang tinalikuran ko at kung sino na yung mga taong tinalikuran ako. Di ko na siguro dapat pang bilangin. Malamang nag-iba na rin sila ng direksyon at magtagpo man kami sa isang punto sa mga buhay namin, malaki ang tsansa na hindi na rin kami pareho ng ritmo.

Magkaiba na ang aming patutunguhan. Magkaiba na ang aming perspektibo. Magkaiba na ang karamihan sa mga layunin namin sa buhay. Baka lang sa pagtatagpo na yun, kailangan lang namin ipaalala sa bawat isa ang mga pagkakamali ng nakaraan. Baka sa pagtatagpong yun, kailangan lang namin maalala kung bakit kami dumating sa punto na yun.

At malamang sa mga susunod na panahon, hindi man alam kung anong eksaktong oras at lugar, magtatagpo at magtatagpo muli kayo. Baka lang..
Gusto ko ng lumayo. Tumakbo palayo sayo. Pero tila yata hanggang nandito pa ako at ikaw ay nariyan lang, at nariyan lang, hindi ko yata magagawang umusad.

Dalawang bagay lang ang kaya kong gawin sa mga sitwasyong ganito. Kung ang una ay nagagawa kong kontrolin, ang pangalawa ay malayo ako.

Tumakbo palayo. Tatalikod mula sa kinalalagyan mo. Hindi ko na kayang bugbugin pa ang utak ko sa pag-iisip sayo. Ikaw na matagal ng malayo. Matagal ng umalis at lumayo sa mundo ko. Mapagod man sa pagtakbo sa kawalan. Iisipin ko na lang na may patutunguhan pa rin ang bawat isang hakbang. Isang hakbang na patungo sa ibang lugar. Sa lugar na ang puso’y hindi na mapapagal..

****

I don’t want that to go that way. I don’t want to forget. (Dory, Finding Nemo)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s