For One More Day

Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more chance to make up for the time when you thought they would be here forever? If so, then you know you can go your whole life collecting days, and none will outweigh the one you wish you had back.

What if you got it back?

Walang tao na pumapasok sa utak ko na pwedeng isagot sa bagay na yan. Salamat sa Diyos, wala pa namang pangyayari sa buhay ko na magiging dahilan para maisip ko yun. Pero, aminin na natin, darating at darating ang panahon na yan. Sana ngayon pa lang magawa ko na ang dapat kong gawin, sabihin ang dapat sabihin. Pero kahit ganun..

..that’s the thing when your parents die, you feel like instead of going into every fight with backup, you are going into every fight alone.

May malaking parte sayo na hindi mo alam kung saan mo huhugutin, na sila lang talaga ang magiging dahilan para maging kampante ka, makakapuno ng kawalan na ito. Dati nung bata pa ko, di ko talaga maisip kung paano mangyayari sakin.

..of course, when you’re that young, you rest in your parents’ plans, not your own.

Ngayon, na gusto ko nang makamit yung liberty, –hindi independence kasi pakiramdam ko lagi naman tayong dedepende sa kanila kahit hindi man financially– na inaasam ko, parang di na sumasagi sa isip ko.. pero wag mong isipin na wala akong pakialam. Basta.

Kanina, dahil pyesta samin, pumunta kami ng bisita, kasama ko sila. May replica ng Inmaculada Concepcion, yung sahig ay napalitan na. Ilang taon na pala nung huli akong tumapak sa chapel na yun. 11 pa yata ako nun o 12. Tama. Nung binubuno ko ang 9 na araw ng Misa de Gallo, ng mag-isa. Ika nga nila ‘it grew smaller to me now’. Naalala ko pa, sinabi nila yun, na gagawin nila akong taga-basa kapag naging 15 na ko. Ilang taon na ko ngayon. Hindi ako nun makapaghintay na mag-15. At hanggang sa nakalimutan na lang.

Kung ako ang tatanungin, wala akong gustong baguhin mula sa nakaraan. Baka kasi yung mga bagay na nakakapagpasaya sakin ngayon at mga bagay na kuntento na kong meron ako ay mawala pa kung aasamin ko pang mabago yung iba sa nakalipas. Butterfly effect. Tama ba?

When someone is in your heart, they’re never truly gone. they can come back to you even at unlikely times.

Sabi nga ng isang kilalang manunulat (hindi si Bob Ong), hindi mawawala ang isang tao hangga’t siya ay nasa ating alaala.

..and one day spent with someone you love can change everything.

Definitely not maybe.

(..I feel ashamed now that I tried to take my life.  It is such a precious thing. I had no one to talk me out of my despair and that was a mistake.) You need to keep people close. You need to give them access to your heart.

Gustong gusto ko yung last part sa di ko malamang dahilan. Hmm.

If you had the chance, just one chance, to go back and fix what you did wrong in life, would you take it? And if you did, would you be big enough to stand it?

#GOODNIGHT #Carpe Diem #Busy week ahead. #Seize the.. week?

Thank You po. =)

*Quotes (and realizations) from Mitch Albom’s For One More Day

Advertisements

3 thoughts on “For One More Day”

  1. First, mahal ko ang aklat na yan 🙂 Parati akong pinapaiyak ni Mitch Albom
    Pangalawa, ayos lang maging dependent sa mga magulang. pero lumaki kase akong may konting galit sa kanila kaya siguro di ko mahagip yung emosyon ng akda mong ito.
    Pangatlo, isang tao lang dumadating sa isip ko sa mga tanong na yan 🙂

    magandang araw 🙂

  2. Una, tungkol sa pangalawa mong sinasabi, hindi talaga natin maikakaila yan. Pangalawa, tungkol dun sa pangatlo mong sinabi, wag kang mag-alala naiintindihan kita. Hindi ko naman masasabi may galit ako sa kanila, siguro sadya lang talagang hindi ako masyadong ganun kaapektado sa mga bagay-bagay tungkol sa pagmamahal o affection sa mga magulang. Hindi kasi kami ganun. Hindi lang talaga. pero kahit anong sabihin natin, may epekto pa rin yun satin, kung ano man yung gustong ipahiwatig ng akda ni Mitch Albom na yan. Pangatlo, sino naman? Kung gusto mong i-share, pwedeng-pwede. Kung hindi, ok lang naman.

    Salamat na rin sa pagbasa at pag-aabalang magcomment dito. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s