Choice

Where to?

Para lang mawala na to sa isip ko. Kasi..

Ayaw ko naman yung gagawin ng isang tao ang isang bagay na pabor sayo dahil lang sa guilt o kaya na-obliga siya kasi nalaman niyang nasasaktan ka pala o umaasa ka pala na gawin mo din yung mga bagay na nagagawa mo para sa kanya.

At isa pa, choice mo yun. Hindi niya hinihingi, ikaw ang nagbibigay atensyon at nag-aabala at nang-aabala. Kaya wag kang mag-iisip ng bagay na hindi dapat. Hindi ka dapat matakot. Matakot na kapag ikaw ang lumayo hindi ka naman niya hahanapin. Kung kaya nga niyang sabihin na itapon mo siya, e parang wala lang din naman kasi kapag nawala ka. Gusto nga niya na lumayo ka na sa kanya, kaya huwag magtataka na kapag lumayo ka nga ay wala siyang gagawin para bumalik ka. Kasi yun na nga ang goal niya e.

Nakakalungkot lang na isipin yun. Ayokong sabihin sa kanya. Kasi nga.. pakibasa ulit yung unang talata.

Hindi ka naman kailangan e, sabit ka nga lang. Ikaw pa nga yung nangangailangan, ikaw yung nagsusumiksik. Wala naman siyang napapala sayo. Wala namang pagkakaiba kung nandyan ka o wala ka. Sad.

Madami pa na ibang bagay na mas mahalaga. Mahalaga nga ba ako?

Hahayaan ko na lang na maisip niya na ganun yung nararamdaman ko. Hahayaan ko na lang na kusa siyang gagawa ng mga pabor at alam kong gusto niya talagang gawin yun.

Choice ko to. Eto yung gusto ko. Kaya hayaan mong gawin ng ibang tao ang gusto nila. Baka malay mo, isang araw, kung gaano mo sila pinahahalagahan ay ganun na rin ang gagawin nila para sayo. Kusa. Hindi pilit.

Eto yata yung choice na malaking bagay na masaya ka kahit.. ewan. Sabi ko nga walag halong pagsisisi. Hindi magsisisi.

I am afraid of the unknown. I’m afraid you’ll forget about me. But I think we’re both scared. Err.

“Be not afraid.”

-Pope John Paul II

Lord, I’m lifting up these worries and these optimisms I’m havin’ for quite some time now. I know You are our guide. I know You are with us. You know better (best) than we do.

I love You. We love You. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s