Sikbibi

Dahil halatang wala kang tulog at kung ano-ano na pinagtatatype mo sa huli mong message, wala namang koneksyon pero iba-blog ko to.

Kasi, ang tagal kong inisip, dahil malamang may dahilan kung bakit hindi ko kinarir ang subject mo.

Eto. Nagka-idea ako. Dahil may pauso Facebook na ganito, nakita ko.

View you and Ving

Tapos nakita ko, nakapagsulat na pala ko sa wall mo, noong unang panahon.

At di mo pinansin. Simula yata nun nahiya na ko. Kaya ayun.

*makapagkwento lang*

****

Eto. Eto yung kwento sa araw na ito:

Minsan, hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko, (sa magandang paraan naman yung sitwasyon na ito). Masyado ko ng ipinamimigay ang sarili ko sa ibang tao, sa lahat ng tao, sa madaming tao, o sa iisang tao lang na importante sa buhay ko.

Di ko namamalayan nahihirapan na pala yung puso ko. Masaya. Hindi naman maikakaila na masaya yung ganito. Pero. Hindi ko alam. Nahihirapan na ang isip ko. Nasasaktan din naman ang puso ko. Sa mga bawat bagay na gumugulo. Hinga. Hinga. Ang dami. Nila.

Ilan ba sila? Sa room pa lang namin, sabihin na natin na dalawa, isama pa yung mga kaibigan kong irregular, mga fine art students na kaibigan ko, sila Malen, hiwalay pa sila Lordja, mga LA, mga second year, mga kaibigan ko nung high school, dalawang grupo pa sila.. Nahihirapan na ko. Ngayon ko lang yata naramdaman to. Masyado na bang gulong-gulo ang puso ko kung paano ko sila mabibigyan ng atensyon ng pantay-pantay? Hindi e. Kung tutuusin hindi naman problema to. Gusto ko lang ilabas. Kasi. Malamang nahihirapan na talaga ko. Yan ang hirap..

Tapos minsan pa, sa dami ng efforts mo, hindi pa ito naibabalik sa iyo.

“Sometimes we expect more from others, because we would be willing to do that much for them.”

Kung sabagay, may mga taong di mo rin naman sinasadyang ma-take for granted. Karma. Nasa tamang pagpili ng tao na lang siguro na pahahalagahan yun, hano?

C’est cela l’amour, tout donner, tout sacrifier sans espoir de retour.

~ Albert Camus

Ang dahilan ng dramang ito? Kasi, gusto nila, guluhin yung sched ko ulit para makaklase ko sila sa isang backsubject ko. Mangyayari, 3B ako, pero kukuha na naman ako ng BT sa 3A para makakuha ako ng SES sa 2A. Kailangan ganun para magfit sa schedule ko at schedule nila. Haist. Ang hirap. Nasa lahat na naman ako ng sulok ng mundo kapag nagkataon.

Gusto ko ng adventure, pero ayoko ng issue. Gusto ko ng di magulo, pero ayoko nung walang nangyayari. Gusto ko ng tahimik, pero ayokong mag-isa. Gusto kong lumayo, pero ayokong mawala.

Advertisements

One thought on “Sikbibi”

  1. i believe this is what they call “spreading yourself too thin”
    but that’s love, sweetie
    just let God’s love fill your tank so you never have to run on empty
    (coz this might be the cause of your exhaustion)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s