Nonsense

Ayoko ng routine. Ayoko nung hindi sincere. Ayoko ng niloloko ko ang sarili ko.

Actually, ang nasa isip ko, madami pala ang sakop nito. Naalala ko lang nung sumama ko sa Kapitangan nung First Friday ng October. *ngayon ko lang naisip i-blog* Routine na ng magulang ko. Hindi naman ako against sa tradition. Kaya lang, paano kung nagiging nonsense, wala ng essence. Parang.. mali e.

Pinagmasdan ko sila. Pumasok, nagpahid nung tubig, lumuhod, nagdasal, tumayo, punas sa imahe, tulos ng kandila, umalis.

Ang daming lumipad sa isip kong mga ideya. Ako? Pumasok, tiningnan yung tubig, hinayaan lumuhod sila, pinagmasdan ang simbahan, umupo, kinausap siya, umiyak, tapos parang wala lang.

Hindi sa wala lang. Hmm. Sinseridad. Yun ang naisip ko. Wag na yung sa kanila, yung sakin na lang.

****

Ayokong gawin ang mga bagay na madaming katanungan sa isip ko. Mga bagay na di ko maintindihan bakit ginagawa ng mga tao. Hindi naman kasi sarili ko ang niloloko ko, Siya. Ayoko nun. Kaya di ko ginagawa e, kesa gawin ko, di ko naman alam kung ano pakinabang nito. Oo, siguro tama nga na maniwala ka na wala namang mawawala, pero, ibang aspeto na ito. Gusto ko kapag totoong nararamdaman ko. Gusto ko buong puso.

****

Isa sa pinakamasayang pakiramdam sa mundo ay ang sagutin ng isang tao ang “I love you” mo.

Yung alam mong sinasabi niya ito dahil totoong nararamdaman niya to. Kahit minsan mo lang marinig, pero alam mong totoo. Hindi naman kasi kailangan na araw-araw, minu-minuto sinasabi ito. Parang nakakagawian na nga lang, kaya wala ng saysay, wala ng kilig, wala ng.. Hmm. Mas maganda yung madalang. Kaya ako, kapag nararamdaman ko, sinasabi ko. Kahit hindi ko alam kung kailan dapat isingit ang nga bagay na ganun.

*bow*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s