This is a pain blog, err, plain blog.

Kahit kailan, hindi ko talaga dinidibdib yung problema sa pamilya. Lagi kong dinidistract ang sarili ko sa ibang bagay kapag may problema na ko sa pamilya. Tutal, wala yung ibang bagay na yon, *love* tagos ngayon yung sakit na nararamdaman ko.

***

Ang hirap mabuhay sa pamilyang nagkukunwaring buo pero kung titingnan mo, hindi naman. Ang sakit isipin. Di ko na maisip na maipagmalaki. Di lang namin siguro matanggap sa sarili namin na hindi kami isa. Nagkaka-isa. Laging labo-labo. Di marunong tumingin sa kung ano yung maganda para sa ibang tao. Puro pansariling kasiyahan. Alam mo yung selfless love? Wala nun samin e, sadly. 😦

Laging nakatuon sa kung ano ang hindi ginawa o maling ginawa. Appreciation? Wala kami nun e. Yung pagrerecognize na at least ginawa nya ‘to, ginawa nya para sa iyo, para sa inyo.Contentment? Bobo yata kami dyan e, pasensya. Gusto lagi ng kasunod. Ng…

Sorry. Patay na. Wala sa bokabularyo ng pamilya namin yan. Hindi namin kayang sabihin yan sa isa’t-isa. Lahat kasi magaling, hindi pwedeng natatalo. Pride. Pinapatay kami nyan unti-unti nang di namin nalalaman. Pinapatay yung pagmamahal at pakialam sa bawat isa. Respeto. Respeto para sa opinyon ng iba. Sa bagay na ginugusto ng iba.

At alam mo ba ang pinakanakakabagabag? I Love You.

I used to express those words as much as I can, though only through letters. I used to do that as much as possible. I used to. Pero nag bago na lahat. Dahil yun sa isang pangyayaring nagbaliktad ng mga kaganapan sa buhay ko. Pero sawa na kong isisi pa doon sa pangyayaring yon kung bakit ganito na ngayon.

Masaya na ko. Saka choice naman namin yun e. Saka sabi ko nga, hindi na maibabalik pa.

***

Ang drama no? Pasensya na. Ngayon lang ako naglabas ng sama ng loob ever. Napa-english pa.

Won’t somebody come try to find me.

(May 17, 2010)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s