In a Relationship with God, and it’s complicated

One way Jesus, you’re the only one that I could live for…

(Repeat until you feel his presence, fully.)

I missed that. Jumping while singing, joining the hyped crowd, singing at the top of their lungs, crying your heart out.. Praising and worshiping Him like there’s no tomorrow.

But today, the difference was, the setting was kind of too formal. The usual setting we have while attending a Catholic mass. (Oh sorry for that kind of remark.)

I just remembered doing so way back. The youthful, restless crowd. Yes. I miss that. Joining Christians on their Sunday service. Or the Friday YGIG — Young Generations in Gathering.

***

But then, that wasn’t really this post is all about. So the talk today was about Jesus and knowing Him.

But then again, I won’t really enumerate the stuffs that was discussed. I’d prolly just share the things that I realized. And the remaining entry would prolly be narrated in Tagalog. It’d be so much easier for me to share it that way.

***

Pakiramdam ko ang layo ko na sa kanya. Ibang-iba na ko sa dating mabait-na-pangarap-ng-mga-magulang-na-maging-anak-sana-nila. Ano nga bang nangyari?

Ngayon, ako na yung taong tuwing may okasyon na lang nagsisimba. O kaya maisipan, may mag-aya. Wala na yung sobrang lalim na relasyon ko sa kanya. Oo, nung bata pa ko. Siguro hanggang nung high school yon.

Pero sabi ko nga kanina, di ko na matandaan kung ano pa man yung naging relasyon ko sa kanya, musmos na pag-iisip, nagpapadala sa kung ano lang ang sabihin ng matatanda na sabi daw ni Jesus na dapat gawin ng mga bata. Nagpapatangay lang sa mga paniniwala na tama na idinidikta nila. Walang sariling paniniwala. Kung ano lang ang sabihin, papaniwalaan.

Ngayon, ang masasabi ko na lang na relasyon ko sa kanya ay tuwing ako ay nagdadasal. Oo, nagdadasala ako.

Pero hindi yung routine prayer. Hindi yung tinuturo ng karamihan na dapat tuwing ganito, dapat tuwing ganun. Hindi yung pagkahaba-habang mga dasal na ginawa noon pa mang araw.

Kung kailan maisipan. Kung kailan ko gusto. Pero hindi naman ako yung taong magdadasal lang kapag may kailangan. Ibig sabihin ko ng maisipan, yung kunwari naglalakad ako in the middle of the day, out of nowhere, nagpapasalamat ako sa kanya sa kahit ano pa mang sitwasyon na kinakaharap ko. Nagpapasalamat ako kapag nagdadasal. Hindi ako humihingi ng mga bagay-bagay sa kanya, mga material na sadyang hangad ng mga tao sa buhay nila. Walang eksaktong hinihingi.

Patnubay at pagpapatawad. Yun. Yun ang laman ng bawat aking dasal.

Pero sa bawat paghingi ko ng tawad sa kanya, nagi-guilty ako. Araw-araw na lang yata na ginawa niya, ako’y nagkakasala. At ang masama, wala akong ginagawa. Di ako nabubuhay ng naaayon sa kanya.

Kaya eto, tatapusin ko na, kahit madami pang mga bagay-bagay na bumabagabag sakin(Tulad ng, ‘May basehan ba ng tama o maling pagdadasal?’, ‘Diba ang tao ang simbahan?’, saka ‘Hindi ba mas maganda kung yung dasal e hindi yung traditional, yung mula sa puso natin?’).

Gusto kong i-revive, gusto kong iahon na ang sarili ko mula sa mga pagkakamali ko. Gusto kong makilala siya. Ngayon na may sapat na kong malay sa mundo.

(September 26, 2010)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s