A 40 year-old Virgin

Napatigil ka ba?

Wala, naisip ko lang kanina, gusto kong mag-settle down kapag 40 na ko. Say whut? Nakakaloka no?

Kasi sabi ng prof namin kanina, mahirap daw mag-travel kapag may anak kang iniintindi. Mahirap kapag may responsibilidad ka pa, mahirap kalimutan, di mo rin maeenjoy.

Kaya ako, magpapakasaya muna, pero syempre dapat, pumasa muna ko bilang arkitekto, papaunlarin sarili ko, mag-iipon, lilibot saan mang lupalop ng mundo, at saka na iisipin ang pang habang-buhay na responsibilidad.

Natawa ko sa ama ko, kinwento ko kasi, ang reaksyon nya, “Ede D.O.M. na mapapangasawa mo?”, sabi ko, “Ede masaya!”.

Concern sya, nakakatuwa. 🙂 Saka sabi pa, hindi ko din daw masasabi yon.

Bahala na. Sinet ko lang naman sa utak ko at sisikapin kong gawin. Pero di naman siguro talaga 40 no! Mga 35. :3 May maghihintay kaya sakin ng ganun? HAHAHA.

Ayoko lang naman kasing i-spend yung 2/3 ng buhay ko ng nakatali na sa responsibilidad na pinasok ko. Ang haba pa.

Pero pwede din naman kung yung lalaki na yon e papayag na magpakasal kami, wala munang anak, lilibot muna kami sa kahit saan na gugustuhin namin, saka na lang yung mga responsibilidad na yon.

😀

(June 21, 2010)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s